Kultura ng Pilipino sa Pagbabangko

Adbentahe ng Pagbabangko

Banking

Mula sa http://www.economylead.com/finance/bank-rate-retention-impedes-business-investment-52578

Isa sa problema ng mamayang Pilipino ang kawalan ng ipon, sa pagtanggap ng sahod kada buwan ay nawawala sa kaisipan ng mga ito na nararapat na pinaglalaanan ang kinabukasan. Sa pamamagitan ng pagbabangko, matuturuan ang mga bawat Pilipino na mag-impok ng pera sa bangko at magkaroon ng pera para sa hinaharap.

Accessibility ng Bangko ngayon

Bank of London and South America, Buenos Aires, Argentina, 1959-63 (Clorindo Testa & SEPRA)

Bank of London and South America,  Argentina (kuha ni Clorindo Testa & SEPRA)

Saanman pumunta ay makakakita ng bangko at/o ATM, dahil dito mas nagiging accessible ang pera ng bawat Pilipino kung kailanman nila ito kakailanganin para sa importanteng bagay, habang pinapanatili ang seguridad nito, hindi tulad ng kapag itinabi mo lamang ang pera sa iyong tahanan.

Pabata nang pabata ang nagkakaroon ng Bank Accounts

Image result for young entrepreneurs

Mula sa The Frugal Millennial

Sa panahon ngayon, hindi lamang matatanda ang mayroong bank accounts, ngunit maging ang kabataan ngayon ay hindi na nagpapahuli. Isang magandang aksyon ang pagtuturo kung paano ang tama at wais na paghahawak ng pera habang sila’y bata pa at panigurado ay dadalhin nila ito hanggang sa kanilang pagtanda, maging sa habang-buhay.

Pagiging trendy ng Ipon Challenge

Image result for piggy bank tumblr

mula sa https://stmed.net/man-made/piggy-bank-wallpapers

Sa paggamit ng makalumang paraan ng pag-impok, hindi maiiwasan na ang mga pera na naipon ay mabulok. Katulad na nga ng isang Pilipino na mas pinili na lamang niya mag-impok sa isang kawayang alkansya, sa kasamaan palad, imbis na mayroon siya ipon ay nawalan pa lalo siya ng pera dahil inanay ‘di umano ang mga ito sa loob ng kanyang alkansya.

Pagpili ng matatanda na hindi gumamit ng makabagong paraan ng pag-iimpok

Image result for old people

mula sa http://truthnetmedia.com/why-i-love-old-people-shared-stories/

Karamihan sa matatanda ngayon ang tumatanggi sa ideya ng pagbabangko at mas ninanais pa rin ang dating paraan ng pag-iimpok, kung minsan ay ginugusto na lamang nilang ibaon na lang sa lupa o ilagay sa alkansya ang mga pera natamo habang sila ay nabubuhubay. Sila ay wala pang sapat na pagtitiwala sa bangko na ang kanilang pera ay magiging ligtas sa kamay ng mga ito.

Halaga ng pera noon, ngayon at bukas

Image result for peso bills

mula sa http://www.megacities-go-services.com/Manila/Manila-Daily-Survive-Manila/Money-Finance

Sa pagdaan ng panahon, patuloy na lumalaki ang halaga ng pera. Ang sampung-piso mo ngayon ay maaring maging piso na lang sa mga susunod na taon. Kaya naman mas hinihikayat ang madla na mag-impok na kanilang pera sa bangko dahil dito, kahit sa maliit man na pursyento ay tumataas ang halaga ng pera kaysa sa paggamit ng alkansya na hindi lumalago ang pera sa loob nito.

Kung paano pinapaikot ng pera ang mundo at ng mundo ang pera

Related image

mula sa https://marketer.ua/ua/world-economy-2018/

Sa ngayon, wala ng taong nabubuhay ang hindi kinakailangan ng pera sapagkat sa lahat ng aspekto ng buhay kailangan tumbasan mo ito sa halaga ng pera. Ngunit upang maging wais na mamayan, hindi nararapat na tayo’y magpakontrol na lamang sa pera, bagkus tulungan at turuan natin ang ating mga sarili kung paano natin hahawakan ang ating mga salapi ng may talino.

Mas yumayaman ang mga mayayaman at mas lalong naghihirap ang mga mahihirap

Image result for rich and poor

mula sa http://cornellcurrent.com/2015/04/12/the-philippine-economy-the-next-asian-miracle/

Dahil na nga walang sapat na kaalaman ang ating mahihirap na kapatid dito sa bansa, mas lalo lang silang nawawalan ng pribilehiyo upang mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay. Samantala, ang mayayaman naman ay mas lalo pang humahanap ng paraan upang makapag-impok at humanap ng iba pang paraan na mamuhunan upang mapalago pa lalo ang kanilang salapi.

Pinansyal na Saloobin o Finacial Attitude

Related image

mula sa https://www.carrwealthmanagement.com/2017/01/25/do-our-attitudes-about-money-help-or-hurt-us/

Pinansyal na Saloobin ay ang kung paano at ano ang nararamdaman ng mga Pilipino patungkol sa mga ideya at konsepto ng pananalapi. Maaring may mga tao na maganda’t maayos ang Financial Attitude, ang mga ito ay nakikialam at nakikibahagi sila ng iba’t ibang mga gawaing pinansyal tulad ng pagbabangko. Maari namang may mababang pinansyal na saloobin ang isang tao at kaya sila lumalayo sa mga anumang gawaing pananalapi ay sa kadahilanang sila ay hindi naniniwala sa simpleng pagiipon lamang at pagnenegosyo, kung baga sila ay kuntento na kung anuman ang alam nila.

Nararapat na patuloy ang paglinang ng mga Pilipino sa kanilang Financial Attitude habang sila ay bata pa

Kuha ni PAUL RYAN A. LIONGSON ng 1a12

Ito ay hindi natuturo sa isang gabi o maging sa panandaliang panahon lamang, ito ay natutunan lamang ng isang tao gamit ang patuloy na pagbabaon ng ideya sa kaisipan ng isang tao. Gamit ang pinalinang na Financial Attitude, maaring mas mapaganda ang maging lagay ng pagbabangko sa Pilipinas sa pamamagitan ng mas lalo pang paglaganap ng paggamit nito sa ating mga pananalapi.

Ang masamang tingin sa pagbabangko dahil sa media

Image result for banko filipino

 

 

 

 

 

 

 

 

 

kuha ni ROLEX DELA PENA mula sa Rappler.com

Napakaraming dahilan kung bakit mayroong masamang imahe ang pagbabangko, isa na nga rito ang nangyaring insidente sa Banco Filipino na nagsara at nawalan ng pondo para sa mga nagdeposito rito. Tunay na nakatatakot at nakakasira ng imahe ang ganitong uri ng pangyayari kaya napakapangit na lamang ng tingin ng madla sa imahe ng pagbabangko. Gayunpaman, hindi pa rin mapagkakaila ang benepisyo ng pagbabangko laban sa kahit anumang uri ng daluyan ng pondo, sapagkat bangko na ang isa sa mga may pinakapurong paraan para tuluyan na makontrol ang pinansyal na aspekto ng buhay.

Laganap na kahirapan sa bansa

Image result for poverty in the philippines

Kuha ni Darrio Berrebi mula sa https://www.poverties.org/blog/poverty-in-the-philippines

Hindi maikakaila na ang kahirapan sa ating ay isang laganap na problema. Marami sa mga Pilipino ang namumuhay sa tinatawag na poverty line. Mahigit kumulang dalawampu’t isang  porsyento ng populasyon ng ating bansa ang nakakaranas ng ganitong problema kung saan ang kanilang mga kita ay hindi pa sapat upang mabili ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw.

Kawalan ng interes sa usaping pampinansiya

Image result for boring job

mula sa https://www.inspiringwomen.co.za/stuck-in-a-boring-job/

Hindi likas sa kultura nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng interes sa mga usaping pampaniansya. Ang mga konsepto ng simpleng pag-iipon ay marapat lamang na magsimula sa mga magulang, dapat nilang hikayatin ang kanilang mga anak na mag-ipon o maging masinop sa paggamit ng pera. At mas lalo pa itong dapat pagtibayin sa pamamagitan ng pagbibigay pansin ng mga eskwelahan sa ganitong mga klase ng usapin.

Pagkamit ng financial freedom sa pamamagitan ng pagbabangko

kuha ni Feng Yu—Alamy mula sa http://time.com/money/2791789/four-secrets-financial-independence/

Ang salitang financial freedom ay maaaring maituring na isang subjective na naka depende sa tao. Ang isang taong posibleng ang kahulugan ng konsepto nito para sa iba ay ang pagiging malaya sa kahit anong utang o kaya naman ang kalayaan na gumasta ng pera sa kahit anong paraan. Alinman sa mga ito, isa lang ang layunin ng pagbabangko ito ay ang lumago pa lalo ang mga ari-arian sa patuloy na pagkamit ng financial freedom.

Lumalalang kahirapan, sa pag iimpok ay malaking hadlang

Child poverty in rural Philippines

Kuha ni Darrio Berrebi mula sa https://www.poverties.org/blog/poverty-in-the-philippines

Ang pangunahing kailangan upang makapg impok sa banko ay sobrang pera na maaaring itago at magamit sa mga susunod na pangangailangan. Ngunit sa panahon ngayon, tumataas ang mga presyo ng bilihin na nagiging sanhi ng lalong paghirap ng mga mamamayan. Dulot ng kahirapan, sapat lamang ang kita ng mga pilipino para sa pang araw-araw na gastusin at konti na lamang o minsan ay wala nang natitira. Ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit mas malaki parin ang bahagdan ng mga mamayan na hindi nagbabanko.

May sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa pagbabanko

Image result for warren buffett

Kuha ni Chance Miller mula sa https://9to5mac.com/2018/05/06/warren-buffett-says-he-wants-to-buy-even-more-aapl-praises-100b-share-buyback-announcement/

Maaaring isang dahilan kung bakit mas malaki pa rin ang porsyento ng mga taong hindi nag-iimpok ka sa banko ay ang kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol dito. Subalit, samu’t-saring mga pamamraan ang isinasagawa ng mga banko upang ipalaganap ang pagbabanko at mang hikayat ng mga tao na magbanko. Ang gobyerno ay may mga programa din na tumutulong sa pagpapaalam ng kabutihang dulot ng pagbabanko. Maging ang mga tao sa mga probinsya ay may kaalaman din tungkol sa pagbabanko dahil sa mga pamamaraang ito.

Mas pinipili ng karamihan ang mag invest kaysa sa mag-impok sa banko

Image result for investment banking

mula sa https://www.goldmansachs.com/careers/divisions/investment-banking/

Sa panahon ngayon, nagiging mas tampok sa mga mamamayan ang business and investment kaysa sa pagbabanko. Kapag nagkakaroon ng sobrang pera ang mga Pilipino, mas pinipili nila na magtayo ng maliliit na negosyo kagaya ng mga sari-sari store o tusok-tusok o di kaya’y iniinvest nila ito upang mas mapalago ito. Mas pinipili nila na mapadami ang pera nila kaysa sa ipunin muna ito para sa mga susunod na gastusin.

Nagkaroon ng epekto ang World War II sa kaisipan ng mga Pilipino sa konseptong pinansyal

Related image

kuha ni John Tewell mula sa https://www.flickr.com/photos/johntewell/12026060373

Noong ang Pilipinas ay sinakop ng bansang Japan sa panahon ng World War II, nagkaroon ng krisis sa Pilipinas na naging sanhi ng iba’t-ibang problema at paghihirap; kasama na dito ang problemang pinansyal. Sa mga panahong ito, naging sobrang maingat ang mga Pilipino sa kani-kanilang mga pera at mga ari-arian at natutuong itago ito sa kanilang sariling pangangalaga. Nawalan ng tiwala ang mga Pilipino na iwan ang kanilang mga pagmamay-ari sa ibang tao. Hanggang ngayon, may ibang tao pa rin na mayroong ganoong pag-iisip na kung saan hindi nila ipinagkakatiwala ang kanilang mga mahahalagang bagay sa ibang tao lalo na sa mga hindi nila masyadong kilala. Sa konsepto ng pagbabanko, may ibang tao pa rin na hindi nagtitiwala sa mga banko upang mapag-iwanan ng kanilang pera.

Kulturang Filipino sa larangan ng Multi-level Networking

 

 

12

 

https://alvinatfront.wordpress.com/2014/02/03/ano-ba-talaga-ang-networking/

Ang M3ultilevel Networking ay mistulang talamak sa masa ng Flipino at madami ang tumatangkilik dito. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting lumalakas ang impluwensya nito sa mga Filipino at kinalaunan ay nagkakainterest narin ang mga tao sa networking. Kapag ang isang bagay ay pinagkakainteresan o tinatangkilik mo, ito ay maari mong tanggapin at palaguin bilang sarili mo na ring kultura. Maraming kultura at ugali ng pinoy ang makikita mo sa multilevel networking, isa na diyan ang pagiging masipag at matiyaga ng mga pinoy sa paghikayat na bilhin ang kanilang produkto. Makikita din nating katangian sa mga pinoy ang pagiging malumanay at pagiging mapagtanggap. Nais ng mga pinoy na magbigay ng kalidad na serbisyo sa pamamagitan ng produkto na kanilang hinahain. Ilan sa mga katangian ng multi-level networking ay ang pagiging sistematiko o pagkakaroon ng sistema, ito ay dumadaan sa proseso at dapat mutual ang desisyon na hindi lamang dumadaan sa isang tao. Dapat ang desisyon ng isang grupo ay walang pinapaburan na panig upang mahigit na maipamalas ang kapantayan sa gawain.

http://hoshilandia.com/2017/10/ano-ang-dapat-mong-malaman-sa-networking-business-multilevel-marketing/

3

Bagama’t ito ay may kapangyarihan na makapagenganyo ng mga potensyal na indibidwal sa iba’t ibang aspeto ng negosyo. Isang kaugnayan na nagtatalakay sa larangan ng networking ay ang karaniwang impresyon sa kanilang mga isip na kapag narinig ang katagang “Networking” ay ang mga katagang “Open-Minded ka ba sa business?”, “Gusto mo bang kumita kahit nasa bahay ka lang?” , “5000 mo gawin nating 30000 sa loob ng dalawang linggo” at iba pa. Marahil ay may naging masama na itong implikasyon sa ating pag-iisip patungkol sa networking ngunit hindi natin ito basta basta mababago dahil ito ay parte ng ating kultura.

https://alvinatfront.wordpress.com/2014/02/03/ano-ba-talaga-ang-networking/

4

Ang Multilevel Networking din ay may iba’t ibang uri sa paanunsiyo o panghihikayat, nagsisimula ang bentahan ng produkto sa pamamagitan ng paghikayat ng networker na tangkilikin ang kanilang produkto. Ang Multilevel Networking narin ngayon ay nakakapangenganyo sa paggamit ng teknolohiya upang mapadali ang pag papakikilala sa kanilang produkto at ang trabaho ng mga networkers.

Ang artikulong “Ang Kahulugan ng Networking” ay sumasaklaw sa mga termino na kaugnay sa multilevel networking na maiiugnay sa kulturang Filipino. Nakasaad din sa artikulo ang konkretong kahulugan ng networking na ikinonekta sa mistulang kompyuter na may network din na kung saan hindi gagana ang programa na nagiisa lamang, maiuugnay ito sa tao na kung saan kinakailangan may ugnayan ang bawat isa upang matamo ang gusto nilang maabot sa pamamagitan ng multilevel networking.

http://hoshilandia.com/2017/10/ano-ang-dapat-mong-malaman-sa-networking-business-multilevel-marketing/

5Hindi linggid sa ating kaalaman na marami sating mga Filipino ang tumatangkilik sa networking at lubos na nagkakainteres tayo dito, ngunit sa interes na iyon ay kinakailangan nating tignan ang nararapat na hangarin upang magamit natin ng mas epektibo ang stratehiya natin sa networking, lubos na importante din ang pakikipagugnayan sa kliyente mo at sa mga napapalooban mo upang mas maganda ang mga resulta at mas mainam ang ugnayan at produkto. 7.jpg

Networking at Pyramiding: Ano ang pinagkaiba? “Open minded ka ba?” “Gusto mo ba kumita ng P5000 sa loob ng isang linggo?” “Magbigay ka lang ng kahit magkano at kami na ang bahala at pararamihin namin yan” Kung ikaw ay talagang nangangailangan o malaki ang pangangailangan, mahihikayat ka talaga na subukan kung ano man ang kanilang inaalok. Lalo na sa panahon ngayon na nagtataasan ang mga bilihin, talaga nga namang nakaeenganyo salihan ang kanilang grupo, sino nga ba naman na ayaw dumami ang kanyang pera lalo na sa loob lang ng isang linggo. Sa mga ganitong pagkakataon dumadami ang mga nanamantala mayroon din naman na lehitimo na gustong tumulong ngunit dahil sa limitado na kaalaman ng mga mamamayan, hindi natin sila masisisi kung minsan man sila ay naloloko o napagsasamantalahan. Kaya naman mas mainam kung matutukoy natin ang pagkakaiba ng networking sa pyramiding.

http://www.marino.com.ph/topics/creative-business/network-marketing/?fbclid=IwAR1EELFBth4rsikMP85TqyPKQlGUDAWrI4PaB3Cc3tLuT33RYmNyiKZFVFI

8Ang Multi-Level Networking ay may katangian na sistematiko, ito ay may sinusunod na proseso, hindi ito nadadaan sa kagustuhan ng isang indibidwal, ito ay dapat na pinag-uusapan, at kung ito ba ay may malaking usapin, ito ay dapat na dumaan muna sa board ng mga direktor ng kompanya. Walang kinikilingan, ang lahat ng desisyon ng isang multilevel network ay patas sa lahat ng pagkakataon, dapat ito ay walang pinapaburang grupo o indibidwal patungkol sa isang usapin. Mas makatutulong sa isang negosyo sa usaping multilevel networking kung ang kompanyang ito ay matagal na sa industriya, sa paraang ito ay kilala na sila ng nakararami upang mas madali ang panghihikayat na sumali. Maganda ang reputasyon ng negosyo, ito ay binubuo mula sa pagkakatayo pa 10.jpglamang ng negosyo, kung hindi maganda ang reputasyon ng isang negosyong nanghihikayat ng iba, ay hindi ito tatangkilikin ng masa at maaari pang kutyain lamang nila ito, dapat ito ay malinis ang reputasyon upang mas makapanghikayat pa ng iba. Totoo sa tao, lahat dapat nang nilalaman ng isang produkto ay inilalathala sa mga bumibili nito. Hindi dapat na mapaglihim ang impormasyon na maaaring makasakit ng iba, dapat lahat ng impormasyon ay totoo, at hindi dapat nangloloko ng tao at dapat may kalidad ang produkto o serbisyong ibinebenta, hindi pwedeng ibenta ang mga produktong masisira lamang agad sa presyong hindi makatarungan, pati narin sa serbisyo, dapat ay pinag-aaralang mabuti ang bawat produkto bago ilabas sa masa sapagkat kung kulang ito sa kalidad ay maaaring masira ang reputasyon at pangalan ng negosyo at kung ito ay mangyayari ay labis na makakaapekto sa buong negosyo.

http://willieveridianojr.weebly.com/what-is-multi-level-marketing.html?fbclid=IwAR2SNEeSI-EILnkTlxoHdrOhqer4yLc2T7EP6hq_Z_W2xd2QWifcYaxvgjI

download.jpgIba’t ibang suliranin ang maaaring makahadlang sa pagaatupad ng negosyong pinaglilingkuran. Subalit, marami ring mga paraan upang makaiwas sa problemang maaring maihaharap sa mga di-inaasahang araw. Isa na rito ang konseptong “Think Before You Click.” Ito ay isang pananaw o lohikal na kahulugan na dapat iangkop ng isang mamamayan na kung saan ay nailalapat muna ang pangkaisipang intelektwal bago gawin ang bagay na kaniyang angkop na ipinaplano. Manatilhing bigyan ng mahabang panahon ang sarili upang makapag isip-isip bago gumawa ng aksyong kaniyang gaganapin.

Hindi maiiwasan sa kulturang Filipino ang pagmamagaling at pagmamataas ng mga Pilipino, kung kaya’t dapat maiwasan ang ugaling ito upang mapaunalad ang sariling kaisipan at makatulong sa kapwa’t tao. Bagama’t bago ito’y simulan, nararapat na magtanong muna sa ibang nakakaalam sa larangan ng Networking upang mapukaw sa katotohanan at makaiwas sa mga suliraning hindi inaasahan. Ang paghahanap ng guro o mentor ng isang negosyante sa pagpasok sa mundong networking ay higit na makatutulong na kung saan siya ang gagabay sa proseso ng mga transaksyong hindi pa nararanasan ng negosyante. Mas mapapadali din kung may mapagkukuhanan ito ng payo mula sa isang tao na alam na ang dapat gawin at may alam sa landas na iyong tinatatahak

Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng oportunidad upang kausapin at tanungin ang iilang tanong sa eksperto ukol sa paksang kanilang pinagaaralan:

Ang kulturang Pilipino ay malaking tulong ba sa pagpapatupad ng maayos na pakikiugnay sa larangan ng networking? Sa papaanong paraan?

Bilang mamamayang Pilipino, pinakamahalagang bagay ang komunikasyon. At dahil numero unong lenggwahe ng bansa natin ay ang Filipino, malaking bagay ito para mas madaling maunawaan ng bawat myembro at hindi myembro ang bawat isa. Mas madaling humikayat ng kapwa Pilipino kung iisa lang sila ng lenggwahe at mas magiging komportable ang takbo ng usapan.

43674826_2106571779659877_3836973784808554496_n

Sa paanong paraan nakakalimbag sa kulturang Filipino ang multilevel networking?

Sa panahon ng mga mananakop, kinailangan ng mga sinaunang Pilipino na manghikayat na magkaron ng grupo lalo na sa mga kalalakihan na maging sundalo para labanan ang mananakop. Katulad na katulad ito ng sistema ng networking kung saan nanghihikayat ang mga negosyante ng mga tao para magparami rin ng negosyante.

15

 

Ano ang katumbas ng paghihirap ng mga negosyanteng sangkot sa larangan ng Multi-level Networking?

14

Ang katumbas ng paghihirap ng mga negosyanteng nasa Networking ay sarap ng buhay. Sa ingles tinatawag nila itong “Time and Financial Freedom” kung saan darating ang panahon na kahit anong gusto mong bilhin sa kahit na anong oras, posible pag nasa Networking.

Paano naging makabuluhan ang wikang Pilipino sa loob ng mga transaksyon na nais maikamit sa mga negosyante?

Kung nasaang bansa ka man, pinakamainam na gamitin ay ang sariling lenggwahe nila. At sa pakikipagtransaksyon ng negosyante sa kapwa negosyante, mas magkakaunawaan sila at mas magiging magaan ang loob nila na magkaron ng sosyohan.

Gaano katibay ang paggamit ng wikang Pilipino sa paghihikayat ng mga mamamayang Pilipino sa industriya?

Bilang Pilipino, malaking porsyento ng mga nakikinig at nanonood ang mas makakaintindi ng panghihikayat kung Filipino rin ang lenggwahe na naririnig nila.

44602201_2223024224399144_3226792690213453824_nKung susumahin ang pagkakahalintulad ng Multi-level Networking sa kulturang Filipino ay labis na maraming pagkakaparehas. Himayin natin sa dalawang konsepto, ang Multi-level Networking at Kulturang Filipino, ang Multi-level networking ay maiu-ugnay sa kompyuter na may network din na kung saan hindi gagana ang programa na nagiisa lamang, maiuugnay ito sa tao na kung saan kinakailangan may ugnayan ang bawat isa upang matamo ang gusto nilang maabot sa pamamagitan ng multilevel networking.Marami rin ang nasuko agad sa networking dahil na
2rin sa maling pagkakaintindi ng mga Pilipino. Tumitigil sila dahil hindi nila nakikita agad ang resulta na hinahanap nila sa pagsali sa networking, dahil ang inaasahan nila ay ang malakihang kita na kahit kasisimula lamang nila. Makikita rin dito ang pagkahilig ng mga Filipino sa “easy money” na bahagi na rin ng ating kultura. Siyempre, nandito na rin ang katamaran na, hindi natin maitatanggi ang bahagi na nasa sistema ng iilang Filipino.

Kulturang Fiipino sa Ukay-ukay

Screen Shot 2018-10-23 at 7.25.11 PM.png

Isinulat nina: Celso Atuan II, Jasmin Noreen Leonido, Mariah Lyra Magsisi, Marquielle Angeli Mendoza, Charlene Diane Reyes

Seksyon: 1A12 – Unang pangkat

“Kinakatawan ng salitang ukay-ukay ang kultura at lipunang Filipino sa kontemporanyong panahon.” –Delfin Tolentino, Jr.

2018-10-23 11.03.57 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Ang ukay-ukay ay isang pamilihan kung saan binebenta ang mga damit na galing sa ibang bansa sa mas mababang presyo. Maaaring bago o nagamit na dati (second-hand) ang mga produktong makikita sa loob ng ukay-ukay.

2018-10-23 11.03.34 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Iba’t ibang uri ng mga lumang damit at mga kagamitan ang maaaring makita sa isang ukay-ukay at karaniwan, ang mga ito ay mula sa ibang bansa. Ayon kay de Castro (2001), ang mga ito ay kadalasang nanggagaling sa Hong Kong-based Salvation Army’s rummage sale sites at sa United States na kadalasang galing sa mga garage sale at ipinapadala sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga balikbayan boxes.

2018-10-23 11.03.36 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Sa pagdating ng mga kagamitan sa bansang Pilipinas, ibinebenta na ito sa mas murang halaga, kadalasan, naibebenta ito sa kalahati ng orihinal na presyo nito. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ibinebenta ang mga kagamitan sa mas mababang presyo ay sa kadahilanang hindi na ito bago at dahil dito, nababawasan ang kalidad nito ng kaunting porsyento (Cabreza 2001).

2018-10-23 11.03.45 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Ang salitang ukay-ukay ay nagmula sa salitang Tagalog na “hukay” o “halukay.” Ayon sa FFE Life and Lifestyle Staff (2014), ang mga salitang nabanggit ay nagpapahiwatig ng proseso ng pagbili kung saan naghuhukay and mga mamimili upang pumili ng nais nilang produkto.

2018-10-23 11.03.44 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Ayon naman kay Dexter See (2013), ang ukay-ukay ay tinatawag din sa pangalang “wagwagan” kung saan kailangan munang pagpagin upang matanggal ang mga alikabok at makita ng tuluyan ang isang produkto.

2018-10-23 11.28.47 2.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Maraming ibinebenta sa ukay-ukay, kung tutuusin ay mas marami pa silang binebenta kumpara sa mga botika sa malalaking pamilihan (Rappler, 2016)

2018-10-23 11.04.02 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Maaaring makabili sa ukay-ukay simula sa pang araw-araw na damit, gown, mga kasuotan ng bata, bistida, sports attire, bags, sapatos, at iba pa sa mababang presyo kumpara sa mga branded na damit. (Valdez, et al., 2014)

2018-10-23 11.28.45 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Dahil sa pag-unlad ng mga pamilihang ukay-ukay, makikita na rin ang mga kurtina, kumot, comforter, mga kagamitang pang opisina, laruan, at iba pa sa kanilang mga ibinebenta.

2018-10-23 11.04.00 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Hindi lamang mga simpleng damit ang ibinebenta dito dahil kahit mga bag, sapatos, at mga pormal na kasuotan ay makikita rin dito. Liban pa sa mga second-hand o lumang kagamitan, mayroon ding mga hindi pa nagagamit na ibinebenta at tinatawag itong brand-new (Rappler, 2016).

2018-10-23 11.03.47 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Batay sa pag-aaral ni Luisito Abueg (2005) na The Economics of Secondhand Retail Trade: An Analysis of the Market for Ukay-ukay, naging isang magandang alternatibo ang ukay-ukay upang makamura ang mga mamimili kaysa pag bumili sila sa mga botika o sa mga malalaking pamilihan tulad ng SM, Robinsons, at iba pa.

2018-10-23 11.28.50 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Ang kalakasan ng ukay-ukay ay ang halos bagsak presyo na halaga ng mga produkto kung ikukumpara sa mga malalaking pamilihan. Kung sa mga mall ay nagtataasan ang mga presyo, sa ukay-ukay, kahit hindi panahon ng sale ay sobrang baba ng mga presyo ng mga damit. Nang dahil sa bagsak presyong mga produkto, mas tinatangkilik ng masa ang mga ibinebenta dito. 

2018-10-23 08.47.52 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Karamihan sa mga Pilipinong mamimili ay nahihilig sa pagbili ng mga mura pero dekalidad na produkto. “Mayroong mga branded na mga kagamitan na ibinebenta sa mga ukay-ukay” (FFE Life and Lifestyle Staff, 2014). Halimbawa nito ay ang pagbili ng mga second-hand o mga pinaglumaang mga gamit mula sa ibang bansa.

2018-10-23 11.03.53 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Ang ukay-ukay ay itinuturing din na “magandang alternatibo para sa mga mas mahal na bilihin” (Abueg, 2005). Dahilan upang mas tangkilikin ito kaysa sa mga bago ngunit mas mahal na produkto.

2018-10-23 11.28.47 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Maraming tao ang tumatangkilik dito bukod sa mura ang presyo nito, ito rin ay halos pareho lang ng katangian sa mga bago o branded na kagamitan na mabibili sa mga high-class na pamilihan o sa mga shopping mall (Abueg, 2005).

EA26F2A2-BCBF-4C26-A011-632279EA1B82.JPG

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Kung titignan sa pananaw ng isang negosyante, ang ukay-ukay ay mayroong mabilis na pagbalik ng kita (FFE Life and Lifestyle Staff, 2014). Hindi gaanong malaki ang kanilang pondo sapagkat ayon kay Delfin Tolentino (2004), ang mga produktong kanilang binebenta sa ukay-ukay ay galing sa mga bodega ng mga Intsik sa Hong Kong, mga produktong hindi tinanggap ng mga pabrika, at mga lumang paninda sa mga department store.

2018-10-23 11.03.48 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Mayroon pang mga kuwento kung saan sinasabing ang mga ibinebentang damit ay galing sa mga patay o maysakit. Isa pang maaaring pinanggalingan ng mga produktong ito ay mula sa mga donasyon mula sa ibang bansa para sa mga nabiktima ng mga sakuna. Ngunit ayon kay Luisito Abueg (2005), hindi raw totoo na mga donasyon para sa mga nabiktima ng mga sakuna ang ibinebenta sa ukay-ukay.

2018-10-23 11.03.55 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Base naman sa pananaliksik ni Luisito Abueg, ang ukay ukay ay nagmula sa Lungsod ng Baguio, Probinsya ng Benguet at ito ay umusbong pa rin  sa lungsod kahit na may batas (R.A. 4653) na nagbabawal sa pagtitinda ng mga segunda mano. Ayon sa kanya, ang mga produktong ibinebenta sa ukay ukay ay mula pa sa ibang bansa na iniimport sa atin bilang donasyon o pasalubong at ibinebenta ito sa murang halaga. Bagama’t may panukalang nagbabawal sa pagbebenta nito, ang mga tao ay patuloy pa rin sa pagbili sa mga ukay ukay dahil ito ay abot kaya ng masang Pilipino at ito ay magandang alternatibo sa mga mamahaling produkto. (Abueg, 2005)

2018-10-23 11.03.51 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Ito ay may posibilidad din na makasira sa kalagayan ng isang tao o maaaring magdulot ng sakit sapagkat ayon kay Dr. Dana Ruiz, na isang dermatologist, ang mga kagamitan galing sa isang ukay-ukay ay puwedeng magdulot ng skin disease,  allergy, at Atopic Dermatitis lalo na kung ang immune system ng isang tao ay mahina dahil wala naming kasiguraduhan na lahat ng binibili sa ukay-ukay ay tiyak na malinis.

2018-10-23 11.37.31 1.jpg

Kuha ni Mariah Lyra Magsisi, 1A12, 10/23/18

Ipinapaalala ng Department of Health na dapat maging maingat ang mga tao sa pagbili ng ganitong mga kagamitan sapagkat maari itong magdulot ng sakit dahil wala naming kasiguraduhan na lahat ito ay malinis at kapag napasukan na ang isang tao ng bacteria, mas magiging lapitin ang isang tao sa iba’t ibang mga sakit (Chan, 2012).

2018-10-23 11.03.38 1.jpg

Kuha ni Jasmin Noreen Leonido, 1A12, 10/23/18

Mayroong kaugnayan ang ukay-ukay sa kulturang Pilipino dahil nasasalamin ang pagiging matipid ng mga Pilipino sa konsepto ng pagtawad sa mga bilihin at pagtangkilik sa mga gamit na mababa ang presyo. Nasasalamin din ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino dahil nakakahanap sila ng mas mura at alternatibong paraan upang magkaroon ng mga damit na sikat ang disenyo. Sa pagtangkilik ng mga damit mula sa ukay-ukay, makikita rin ang hilig nating mga Pilipino sa patangkilik sa mga produkto na hindi naman sariling atin.

Kulturang Filipino at ang Literasing Pampinansya

Kulturang Filipino at ang Literasing Pampinansya

BELZA, Clarence John G., KIM, Kyungchan, DELA CRUZ, Jelle Anela L., SERRATO, Jennifer O.
1 – A12

Financial-Literacy-image.pngMarami sa mga Filipino ang may malaking kakulangan sa kaalamang pampinansya. Maraming Filipino ang illiterate pag dating sa ganitong usapin. Sa katunayan, humigi’t kumulang 52.8 milyong Filipino ang walang sarili o personal na bank account. Kumpara sa ibang bansa sa Asya, hamak na mababa rin ang ating penetration level padating sa pag-invest sa mga insurance at life plan. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ganito na lamang ang hangganan ng mga Filipino sa larangan ng pinans at pananalapi ay ang labis ka kakulangan sa literasing pampinansya o financial literacy.

MassMutualFutureSmart-1523904115
Duquette, D. (2018, APRIL 16) Why It's Important to Teach Your Students Financial Literacy—and Three Ways to Do It. Nakuha mula: https://www.edsurge.com/news/2018-04-16-why-it-s-important-to-teach-your-students-financial-literacy-and-three-ways-to-do-it?fbclid=IwAR2gJhI92k4aco3rZLsv9f6CsZQnfOy4tv8KpOxeDC0sLf6kvg9QhI6qcZc

Ang literasing pampinansya ay isang kaisipan o kasanayan kung saan labis na naiintindihan at nauunawaan ng isang tao ang mga paksa at konsepto na may kinalaman sa pananalapi at pinansya. Ang ilan sa mga konseptong ito ay ang pamamahala sa sariling salapi, pag-iimpok, pera, at paglagak o pag invest sa mga stocks, bonds at kumpanya. Ang sapat o higit na kaalaman sa larangang ito ay higit na makakatulong sa mga desisyong may kinalaman sa kanilang pera o pananalapi. Samantalang ang kakulangan naman sa kaalaman dito ay maaaring magresulta sa mga masama o di kanains nais na desisyon na maaaring mauwi sa pagkasayang o pagkawala ng salapi.

44566956_282610612382282_6510300552419606528_n
Enter a caption

Ang isa sa mga kapansin-pansing gawi ng mga Filipino sa pera ay ang hindi pag-paplano o pagbabadyet ng kanilang pera o gastusin. Di hamak na bibihira rin sa mga Filipino ang pagpaplano para sa kanilang sariling reteirement. Ang dahilan nito ang matagal nang problema ng mga Filipino pagdating sa pagkita ng pera.

14Isa pa sa mga kultura o kaisipang Filipino ay ang labis na paggastos tuwing may okasyon o kaya ay pista sa baryo. Sumasalamin rin ito sa pagiisip nga mga Filipino mentalidad na konsumerismo at kolonyal mentality. Kung tutuusin sa panahon ngayon malaki na ang gastos nga mga Filipino lalo nasa mga luho gaya ng cellphone, damit na ma tatak, pagkain, at iba pang gastusin. Sa mga okasyon na nasabi, ang nasa isip ng ibang Filipino ay mas pipiliin nilang umutang o gumastos

https://sharinginthenet.wordpress.com/type/aside/page/3/

litson2.jpgng higit sa kakayahan kaysa ang mapahiya sa mga bisita nila. Kung iisipin di naman masama ang intensyon nating mga Filipino, pero isang malaking kamalian ang ganitong mga desisyon. Dati nagkakataon na nagkakabaon-baon na sa utang ang isang pamilya dahil may handaan, o kaya ay pista. Dapat ay nagtatabi ang mga Filipino para sa mas mahahalagang bagay o kaya ay sitwasyon maaaring mangailanagn ng malaking halaga ng pera.

44252438_2447428881936498_8927739086999912448_n

 

Ang “STANDARD & Poor’s Rating Services Global Financial Literacy Survey” ay sarbey na isinagawa ng STANDARD & Poor’s noong 2014. Itinuturi itong pinaka-malawak na pangsukat sa global na literasing pampinansiya. Batay sa resulta ng nasagawa nilang sarbey, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na mababa ang literasing paminansya. Ito ay batay sa resulta ng nasagawa nilang pagsisiyasat. Sa 144 na bansa na sinurvey ng STANDARD & Poor’s, ang Pilipinas ay nabibilang sa tatlumpung bansa na nasa ilalim ng ranggo. 25% lang ng mga menor de edad na Filipino ay literate sa mga pangunahing kaalaman sa pinansya.

44686442_277654219528757_7042577915292155904_n

 

 

Sa isang pagaaral sa mga rehiyon sa Asia-Pacific noong 2012, ang Pilipinas ay ay pang-12 sa 15 na bansa sa pagkuha ng proporsyon na mga nagtratrabaho na may bank accounts. Ayon sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, karamihan ng mga Filipino ay wala pa rin bank accounts. Ito ay batay sa resulta ng 2017 Financial Inclusion Survey, 22.6% o 15.8 milyon mayor de edad na Filipino ang pinanatili ang kanilang deposit accounts. Ibig sabihin nito ay may 52.8 milyon na Filipino na wala pang account sa bangko.

44300741_305008086895719_3157515572103610368_n.jpg

 

44687698_2282472288492922_7802486092426379264_n.jpg

http://www.gmanetwork.com/news/money/companies/606126/dominguez-was-not-involved-in-dilg-supply-contract-dof/story/?fbclid=IwAR3Ph2LlnzOJGnEYhgaSgkzqxuvdXj78yKoRWkqdzCNyIUFpMKoEQlWpWdQ

Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pangunahing dahilan kung bakit walang bank accounts ang mga Filipino ay wala silang sapat na pera para magka-account. Ang ibang kadahilanan ay hindi nila kailangan ng bank account, masyadong malako ang mga bangko sa kanilang tahanan, hindi nila mamanage magkaroon ng isang account, masyadong Malaki ang service charge ng mga bangko, hindi nila kaya tugunan ang kailangan na minimum na balance sa mga deposit accounts at hindi nila pinagkakatiwalaan ang mga bangko.

44199808_1915208395441347_2221418709681963008_nHalos 33 milyon na Filipino ay may savings, kaso kakaunti lamang ang gumagawa nito sa pamamagitan ng pormal na institusyon. Mas gusto ng mga Filipino na itago lamang sa kanilang tahanan ang na impok na pera  .

44255280_181236872814727_995747146344955904_n.jpg

 

 

Kinapanayam namin si Gabriel Salud, isang 4th year student sa kursong BSA, ito ang kanyang mga sagot sa aming mga katanungan:

Ang ang masasabi mo tungkol sa literasing pampinansya ng mga Filipino?

Sa totoo lang, kulang na kulang pa talaga ang kaalaman ng Pilipino ukol sa literasing pampinansyal.

Ano sa tingin mo ang dahilan ng kakulangan nga mga Filipino sa literasing pampinansya?

44740892_320572605402722_8562414696425062400_nSiguro wala pa masyadong edukasyon ukol dito. Kaya bilang parte ng council ng ating kolehiyo, gumagawa kami ng paraan sa pamamagitan ng mga seminar at mga gawain kung saan pwede nila maapply ang kanilang mga natutunan.

Sa iyong palagay, ano ang “flaw” ng kulturang Filipino pagdating sa pananalapi?

divisoria.jpg

Ang “flaw” na nakikita ko ay ang hindi sapat na kaalaman ng mga Pilipino sa pagiipon at ang kahalagahan nito. Nabubuhay tayo sa pagiisip na bili lang ng bili kung ano ang gusto at kailangan kaya nasasaid ang ating mga bulsa.

Kung sakaling may higit na kaalaman ang mga Filipino pagdating sa literasing pampinansya, ano ang maitutulong nito sa kanila?

Sa tingin ko’y makakatulong ito sa kanila sa aspetong paggastos. Aminado ako na ang bawat isa sa atin ay gastos lamang ng gastos kung kailan nila gusto kahit hindi kailangan. Ang bawat Pilipino dapat ay maging maalam at matalino sa paggastos at isipin ang pagiipon.

Ano ang masasabi mo sa pagiimpok sa alkansya nga mga Filipino sa halip na magimpok o maginvest sa banko at stocks?

44650377_716048488772417_3035613735839334400_n.jpg

 

Hindi ito nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas sapagkat hindi umiikot ang pera. Ang ineexpect sa atin bilang consumer ay ang paggastos o di kaya’y paginvest sa bangko upang ang pera ay dumaloy sa ekonomiya.

 

 

Mula sa datos na nabanggit sa unang bahagi, malaking porsiyento ng mamamayang Filipino ang kulang sa kaalaman o kasanayan kung saan lubos nilang nauunawaan at naiintindihan ang mga paksa at konsepto sa pananalapi at pinansya. Kung kaya’t madali para sa karamihan sa atin ang maggasta ng pera sa mga bagay na hindi dapat nating masyadong pinagtutuunan dahil sa kakulangang ito. Masasalamin ang walang pakundangang paggastos ng pera ng mga Filipino sa ating kultura. Isa sa mga halimbawa ay ang tradisyon sa Pilipinas na ipagdiwang ang kapistahan ng isang santo. Ang buong barangay, lalo na sa probinsya ay nagkukumahog na maghanda para sa nagsabing pagdiriwang.

44654976_1777007505754534_4898729600625934336_n

Ang iba pa nga sa atin ay nangungutang pa upang makasabay at hindi mahuli sa handaan. Ang dating simpleng pagbibigay pugay sa santo ay napalitan ng magagarbong handaan at naging pasikatan sa kung sino ang mas maraming handa at masmaraming bisita.

 

maxresdefaultSa tradisyong ito, marami ang naglalabas ng malaking halaga ng pera. Hindi nila iniisip ang maaring maging epekto nito sa kinalaunan o sa hinaharap.
30_SIYA-NANG-MAY-UTANG-SIYA-PANG-GALIT-APR-30-CHINKEE-TAN-TOP-MOTIVATIONAL-SPEAKER-PHILIPPINES
Ngunit, kung matuturuan ang karamihan sa atin ng tamang paghawak ng pera, maiiwasan ang ganitong klase ng mga sitwasyon. Mahuhubog ang isang indibiwal na maging matalino sa pagdating sa paghawak ng kanyang kinita. Maiiwasan na mabalewala ang kanilang kinita.
http://www.philippineasiannewstoday.com/frontpageslider/dti-5-6-lenders-told-to-register/?fbclid=IwAR1xyZFWzPb6Qmcn-ZB1uycz-jmQdTxeysRCJxbOAC_QG8Tl1Mp9M8vnCYo

44595038_186424482273362_5506228891871608832_n

https://www.bworldonline.com/peso-weakens-ahead-sona-fed-policy-meet/?fbclid=IwAR0yIYm04EY0KPhdr4SIMhoLkDJHFXIUCoensyyxt22F_bb0skdopWkiQrg

Sanayin natin ang ating mga sarili na maging kritikal sa ating mga pinagkakagastusan. Marapat lamang na magtanong ng “Kailangan ko ba ito?” at “Masusulit ko ba ang paggamit nito?” kapag nais nating gumastos, o hindi kaya’y ang maulit na pagbalik upang mapatunayan na kaiga-igaya bilhin ang isang produkto. Ito ay ilan lamang sa mga paraan upang maiwasan at malimitahan ang tahasan o kara-karakang pagkonsumo ng isang bagay.

44719415_2294239590797457_9060830026034839552_n44232105_185190322380856_7096700700859564032_n

 

 

 

 

 

Pinapayo rin ng mga eksperto sa pinans ang pag-iimpok ng pera at pag-iinvest. Daan ang mga ito upang magkaroon ng pagkakataon ang kinitang pera na lumago. Bukod dito, disiplinahin ang sarili na huwag gumastos nang gumastos lalo na kung hindi naman kinakailangan. Walang masama sa paggastos ng pinaghirapang pera, ngunit alalahanin na anomang labis ay nakakasama.

https://todayscarolinian.net/usc-participates-in-philippine-financial-summit/?fbclid=IwAR0ZezWIRjOKo_52S5IK6mY5Wxz3sGrK-aItnPkHOW8ads3yRAUGC0yy738

.

 

 

Design a site like this with WordPress.com
Get started